Print

Magiging punong-abala ang Pilipinas sa gaganaping 22nd ASEAN Senior Officials on Forestry (ASOF) Meeting na dadaluhan ng mga top forestry officials ng Southeast Asia namay layuning palakasin ang regional cooperation sa larangan ng forestry.

Gaganapin ang pulongsa Hulyo 15 hanggang 20 sa Makati City na inoorganisa ng Forest Management Bureau (FMB) ng Department of Environment and Natural Resources (DENR), kung saan magsasama-sama ang forestry leaders mula sa sampung miyembro ng ASEAN upang talakayin ang sustainable forest management at ang tinatawag na “transboundary” forest threats.

Ito rin ang magiging simula ng isang taong chairmanship ng bansa sa malaking forest conference at iba pang inisyatibo sa buong rehiyon.

Simula Hulyo 15 hanggang 16 ay gaganapin ang 22nd meeting ng ASEAN Working Group on Forest Products at tatalakayin ditto ang pagpapalakas sa kooperasyon ng mga bansa para sa forest product development upang makahanay ito sa pangkalahatang batayan na nangangalaga sa kapaligiran, lipunan at ekonomiya ng regional forest at forest resources.

Susuportahan din ng gaganaping pagpupulong ang pagpapaunlad sa medicinal at aromatic plant industries kabilang din ditto ang konserbasyon habang patuloy itong ginagamit.

Ang anim na araw na ASOF event ay magtatapos sa pagtalakay sa mga kasalukuyang isyu na nakaaapekto sa forestry at forest product na may temang “Forestry Beyond Forest.”

Kabilang din sa mga tatalakayin ang Payment for Ecosystem Services (PES), ecotourism at ang mga benipisyo na nakukuha ng mga komunidad mula sa PES.

Ang PES ay idinesenyo upang mabago ang mga nakasanayan ng tao na nakasisira sa kapaligiran nangsagayon ay makapagbigay ng makabuluhang serbisyo sa iba na makatutulong sa pagpapaunlad ng “environmental conditions.”

Sa usapin ng forestry, ang PES ay tumatalakay sa isang kasunduan sa isang tao o grupo kung saan ay kinakailangan nilang magtanim ng mga puno bago magputol nang sa gayon ay matulungan ang komunidad sa pangalagaan ng kagubatan habang sila ay kumikita.

Ang kagubatan ay nakatutulong sa “Sustainable Development Goals (SDG) na inilabas ng United Nations. Kabilangnaditoang SDG 6 (Clean Water and Sanitation for all People); SDG 13 (Climate Action) at SDG 15 (Life on Land).

Simula noong 2010, tinatayang aabot sa 6.840 million hectares ang forest cover sa Pilipinas.

Sa pamamagitan ng Executive Order 26 na inilabas ng gobyerno para sa implementasyon ng National Greening Program (NGP), ay naragdagan ang forest cover sa bansa na mayroong 1.5 bilyong puno sa 1.5 milyong lupa simula 2011 hanggang 2016.

Noong 2015 nang inilabas naman ang EO 193 na nagpapalawak sa NGP hanggang 2028, layunin nito na maisaayos ang mga nasirang kagubatan na tinatayang aabot sa 7.1 million hectares.

Nitong 2018, dahil narin sa pakikipagtulunga ng ng DENR sa ibang government agencies, private sectors at stakeholders ay nagkaroon na ng rehabilitasyon ang 1.9 milyong ektarya ng mga nasirang kagubatan at nakapagbigay na rin ito ng trabaho sa 600,000 katao sa mga komunidad at umakyat na rin sa 28 percent ang nagkaroon ng forest cover sa bansa sa pamamagitan ng NGP. ###